Bukas ang Armed Forces of the Philippines na makinig sa reklamo ng mga taga-Mindanao na nakakaranas umano ng pangaabuso ng militar dahil sa umiiral na Martial Law.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, bilang tagapagpatupad ng batas at tagapagprotekta ng taumbayan, welcome sa AFP ang mga ulat ng mga pangaabuso nang sa gayon ay magamit nila itong basehan para mausig ang mga mapapatunayang nagkasala at hindi sumunod sa utos ng kanilang Chief-of-staff.
Paliwanag ni Arevalo, maaring dumulog ang mga nagsasabing sila ay biktima sa pinakamalapit na Army headquarters nang sa gayon ay maidaan sa tamang proseso ang kanilang akusasyon.
At kung sakaling sa korte man ito idiretso ay handa naman sila itong harapin.
Nabatid na nitong Sabado nagkaroon ng isang forum sa University of the Philippines bilang paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi siege at ng batas militar sa Mindanao.