Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging sa mga balita lamang nila nalalaman at labis na nababahala ang palasyo sa ginagawa ng China.
Ayon kay Roque, nababahala ang gobyerno sa magiging impact ng ginagawa ng China sa isinusulong na peace at stability sa rehiyon.
Una rito, inamin din ng palasyo na walang sapat na kakayahan ang Pilipinas na berepikahin ang missile system na inilagay umano ng China sa South China Sea.
“Alam ninyo naman po the issue of the presence of supposed bombers ‘no. Unang una po, again, we have no independent verification ‘no. But nonetheless we take note of the reports that appeared and we express our serious concerns anew on its impact on constructive efforts to maintain peace and stability in the region” ayon kay Roque.
Sinabi noon ni Roque na bumibili pa ang Pilipinas ng teknolohiya na susuri kung nay missile system na nailagay na ang China.