Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Tarragona sa Davao Oriental.

Naitala ang lindol sa 54 kilometers South ng bayan ng Tarragona alas 12:24 ng madaling araw ng Lunes, May 22.

Ayon sa Phivolcs, 21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bago ito, tumama na ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan naman ng Manay sa Davao Oriental.

Naitala ang nasabing lindol alas 11:59 ng gabi sa 61 kilometers South ng Manay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...