Sen. Miriam Santiago kinumpirmang si Sen. Bongbong Marcos ang katambal sa 2016 elections

mi bongKinumpirma ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na si Senador Bongbong Marcos ang kanyang magiging Vice Presidential candidate sa 2016 elections.

Ginawa itong senadora sa induction sa kaniya sa hall of fame sa Philippine Judges Association.
Ayon sa senadora, pinili nila ni Marcos ang isa’t-isa para mag-tandem sa 2016 elections.

Kaugnay nito, sinabi ng senadora na bukas sa huling araw ng COC filing ay ihahain na niya ang kaniyang kandidatura sa Comelec.

Tatakbo si Santiago sa ilalim ng kanyang sariling partido na Peoples Reform Party.

Samanatala, nagpasalamat naman si Santiago sa induction niya sa hall of fame ng PJA.

Sa kanyang talumpati sa nasabing okasyon, sinabi ng senadora na isang karangalan ang mabigyan ng nasabing pagkilala.

Read more...