Rep. Abigail Binay, tatakbong Mayor ng Makati

Abi Binay
By Maricar Brizuela / Inquirer

Sa halip na si Junjun Binay ay si Makati City Rep. Abigail Binay ang naghain ng certificate of candidacy para tumakbong alkalde ng lungsod sa 2016 elections.

Pormal na inihain ni Abigail Binay ang kaniyang COC sa Comelec office sa Makati City ngayong ikaapat na araw ng COC filing.

Tatakbo naman bilang running mate ni Binay si Makati City 1st District Rep. Monique Lagdameo.

Una nang sinabi ni Rep. Binay na siya ang tatakbong mayor sa lungsod matapos na ipag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa pwesto sa kapatid niyang si Junjun.

Gayunman, sinabi ni Binay na sa kabila ng nasabing desisyon na siya na lamang ang tumakbong mayor ay hindi pa rin nila isusuko ang laban ng kanilang kapatid.

Sinamahan naman ni Vice President Jejomar Binay at ng kapatid na si Junjun si Abigail sa kaniyang paghahain ng COC. Ayon kay Junjun Binay, ‘very competent’ ang kaniyang kapatid na tumakbong alkalde ng lungsod.

Read more...