Planong pag-uwi ni CPP Founding Chairman Joma Sison, ikinatuwa ng Malakanyang

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang plano ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, noon pa man, malinaw na ang pahayag ng pangulo na bibigyan niya ng garantiya ang kaligtsan ni Sison.

Katunayan, nakahanda rin aniya ang pangulo na sagutin ang gastusin ni Sison sa pag-uwi sa Pilipinas maging ang kanyang pagdalo sa isinusulong na peace process.

“The President has said, he will takes steps to ensure that he can come back to the country. He will guarantee his safety, he will probably even absorb the cost for Joma Sison to come home and participate in the peace,” ayon kay Roque.

Una rito, sinabi ni Sison na uuwi siya sa Pilipinas kapag nagkaroon ng magandang bunga ang pag-uusap ng gobyerno at rebeldeng grupo.

Read more...