Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, maari lamang kasing gamitin ang mutual defense treaty kapag may aktuwal na armadong pag-atake sa teritoryo ng Pilipinas o sa mga isla.
Hindi rin aniya maaring maging basehan ang ginagawang build-up ng China sa South China Sea.
“In the absence of an actual attack, the Mutual Defense Treaty is inapplicable because and kailangan po doon is there be an actual armed attack on the Philippine territory or any of the islands ‘no. Now—so iyong build up lang po hindi po puwedeng maging basehan iyan at ang problema nga po sinabi lang ng Presidente over the weekend ‘no, gustuhin man natin na mag-ingay diyan sa isyu ng China, ang Estados Unidos naman pagdating sa pinag-aagawang mga isla ang palaging punto de vista eh hindi sila nakikialam sa agawan ng teritoryo. So hindi rin maasahan naman ang Estados Unidos pagdating sa isyu ng West Philippine Sea na pinag-aagawang teritoryo,” sinabi ni Roque.
Paulit-ulit din aniyang sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi rin naman makikialam ang Amerika sa agawan ng teritoryo.