Magkakasunod na pagtataas sa presyo ng petrolyo, nais paimbestigahan ng isang mambabatas

Naghain na ng resolusyon sa Kongreso ang isang mambabatas upang imbestigahan ang magkakasunod na oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, gusto niyang pabuksan ang mga financial books ng mga oil companies.

Aniya pa, tila nag-uusap-usap lamang ang mga kumpanya ng langis tungkol sa halaga ng itataas sa produktong petrolyo.

Pagtataka ng mambabatas, bakit pare-pareho ang dagdag-singil na ipinapataw ng iba’t ibang oil companies.

Dagdag pa nito, malaking pasakit ito sa publiko, partikular ang mga mahihirap na Pilipino.

Samantala, ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi magpapatawag siya ng pagpupulong kasama ang mga kumpanya ng langis upang mapag-usapan ang mga pwedeng gawin mabawasan ang epekto sa publiko ng mga dagdag-singil sa produktong petrolyo.

Ngayong araw, ani Zarate, ay magsasagawa sila ng kilos protesta sa MRT North EDSA station upang tuligsain ang magkakasunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, maging ang mga anti-poor na bahagi ng Tax Acceleration for Inclusion (TRAIN) Law.

Read more...