Trump, dadalo sa swearing-in ceremony ng unang babaeng pinuno ng CIA

AP Photo/Richard Drew

Inaasahang dadalo si US President Donald Trump sa swearing-in ceremony ng kauna-unahang babaeng direktor ng Central Intelligence Agency (CIA).

Magaganap ang naturang ceremony sa CIA Headquarters sa Langley, Virginia para sa panununmpa ni Gina Haspel.

Noong nakaraang linggo natanggap ni Haspel ang kumpirmasyon mula sa Senado matapos mapag-usapan ang tungkol sa kanyang naging papel sa ‘harsh interrogation techniques’ ng CIA matapos ang insidente ng 9/11.

Bagaman mayroong isyu tungkol sa nasabing interrogation techniques ay mas marami ang sang-ayon sa pagtatalaga kay Haspel bilang pinuno ng CIA. Kabilang dito ang mga rank-and-file employees, senior intelligence officials, maging mga dating CIA director at national intelligence directors.

Mismong si Trump ang pumili kay Haspel para palitan si Mike Pompeo na ngayon ay kasalukuyang nanunungkulan bilang secretary of state.

Read more...