Big time oil price hike, ipapatupad na ngayong araw

Kasado na ang iba’t ibang mga kumpanya ng langis para sa pagpapatupad ng panibagong bigtime na pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

P1.60 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P1.15 naman para sa kada litro ng diesel.

Samantalang P1 ang itataas sa halaga ng bawat litro ng kerosene o gaas.

Kabilang sa mga magpapatupad ng taas-presyo mamayang alas-6 ng umaga ang mga kumpanyang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, at Total.

Simula noong buwan ng Enero ay umabot na sa P10 ang naidagdag sa halaga ng gasolina at diesel.

Read more...