Ayon sa may-akda ng panukala na si Senador Joel Villanueva, kapag naging ganap nang batas ang naturang panukala ay bibigyan nito ng ngipin ang Labor Code at mapupwersa ang mga establisyimento na sumunod sa safety at health standards.
Sa ilalim ng naturang panukala, pagmumultahin ang mga lalabag ng P100,000 para sa kada araw na hindi natutugunan ang OSH standard violation.
Pumayag na rin ang House of Representatives na i-adopt ang bersyon ng Senado sa nasabing panukala.
Umaasa si Villanueva na mararatipikahan sa mababa at mataas na kapulungan ang OSHS bago ang huling araw ng sesyon sa May 30.
At matapos nito ay hihintayin na lamang ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isa na itong ganap na batas.