Huling araw ng lamay ni dating Sen. Angara, naging emosyonal

Muling nagsama-sama ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni dating Senador Edgardo Angara para alalahanin ang kanyang buhay sa huling araw ng burol nito sa Baler, Aurora.

Kwento ng apo ni Angara na si Edgardo Manuel, wala ni isang selebrasyon sa kanyang buhay ang nakaligtaan ng kanyang lolo.

Aniya, sa ika-siyam na araw na namayapa ang kanyang lolo ay ipinagdiwang naman niya ang kanyang ika-14 na kaarawan at ito ang unang beses na wala ang senador para magdiwang kasama niya.

Inilarawan pa ni Manolo ang kanyang lolo bilang mapagmahal.

Ngunit mayroong isang pangako aniya ang dating senador na hindi nito natupad — ang masaksihan ang pagpapakasal ng kanyang kapatid.

Samantala, inawit naman ng nakababatang kapatid ni Manolo na si Javier ang kantang “Somewhere Over the Rainbow.”

Dumalo rin sa huling araw ng burol ni Angara ang mga naging estudyante nito, mga kaklase noong elementarya, at kanilang malalapit na kaibigan.

Read more...