Justin Brownlee, babalik sa Barangay Ginebra; Henry Walker babalik naman sa Blackwater

Magbabalik sa koponan ng Barangay Ginebra ang basketball star na si Justin Brownlee upang palitan si Chuck Garcia.

Ito ang inanunsyo ng agent ni Brownlee na si Sheryl Reyes sa pamamagitan ng kanyang personal Twitter account.

Matatandaang sa pagsisimula ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ay nakapagtala na ang Gin Kings ng tatlong talo, habang isang panalo pa lamang ang mayroon ang koponan.

Sa unang paglalaro ni Brownlee sa June 1 sa Mall of Asia Arena ay makakaharap ng kanyang koponan ang karibal sa torneo na Meralco Bolts.

Samantala, hindi lamang si Brownlee ang magbabalik sa kanyang dating koponan.

Inanunsyo rin ni Reyes na maging si Henry Walker ay uuwi sa Blackwater Elite matapos nilang pakawalan si Jarrid Famous.

Sa ngayon ay 0-6 ang win-loss record ng Blackwater.

Read more...