Hugh Grant, ikakasal na

AP photo

Ikakasal na rin sa wakas ang Hollywood actor na si Hugh Grant na kilala sa dami ng kanyang pinagbidahan na mga romantic comedy movies.

Unang beses pa lamang ikakasal ang 57 taong gulang na aktor sa kanyang 39 taong gulang na Swedish girlfriend na si Anna Eberstein.

Inanunsyo ang kasal ni Hugh sa registry office ng Chelsea Old Town Hall na malapit lamang sa tahanan ng magkasintahan.

Inaasahang magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa mga darating na linggo.

Bagaman hindi pa kasal ay mayroon nang tatlong anak si Hugh at Anna. Bukod pa ito sa naunang dalawang anak ni Hugh sa dati niyang girlfriend na si Tinglan Hong.

Ilan sa mga sikat na pelikulang ginanapan ni Hugh ang Bridget Jones’s Diary, Music and Lyrics, Notting Hill, at Four Weddings and a Funeral.

Read more...