Cesar Montano nag-resign na sa Tourism Promotions Board

Inquirer file photo

Inihayag ni Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat na nagsumite na ng kanyang resignation si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano.

Effective immediately ang nasabing pagbibitiw sa pwesto ni Montano makaraang umugong ang mga balita kahapon na iiwan na niya ang nasabing pwesto sa Department of Tourism.

Nauna nang pinagpaliwanag ni Puyat si Montano kaugnay sa paunang P80 Million na bayad para sa Buhay Carinderia Project  ng TPB.

Bago ito ay nagbitiw sa kanyang pwesto si dating Tourism Sec. Wanda Teo kaugnay naman sa kontrobersiyal na ads placement sa programa ng kanyang mga kapatid sa PTV 4.

Sinabi naman ni Puyat na magpapatuloy pa rin ang paglilinis sa loob ng DOT kaugnay sa mga proyektong hindi umano angkop na paglaanan ng pondo ng kagawaran.

Read more...