Alvarez kay Sotto: Mas maraming batas sa Senado

Hangad ng Kamara ang mabuti para kay Senate President Tito Sotto.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, umaasa sila na mas maraming panukala ang maipapasa ng Senado sa pamumuno ni Sotto.

Sinabi ni Alvarez na sana ay gumanda ang takbo ng pagpasa ng mga panukala.

Iginiit ng pinuno ng Kamara na ang tangi lamang naman nilang magagawa ay umasa.

Nauna rito, sinabi ni Alvarez na marami silang naipasang panukala sa Kamara ang hindi umuusad sa Senado.

Samantala, tiwala si Alvarez na masusunod pa rin ang timeline sa mga priority bills ng pangulo sa ilalim ng Sotto leadership sa senado.

Pinalitan naman ni Sen. Migz Zubiri si Sotto bilang majority leader sa Senado.

Read more...