Sinigundahan ng Department of Transportation (DOTr) ang desisyon ni President Rodrigo Duterte na tanggalin sa serbisyo so Atty. Mark Tolentino bilang Assistant Secretary for Railways
Ito ay dahil umano sa questionable dealings at pilit na pagdamay sa first family sa Mindanao Railway Project.
Sa kanilang inilabas na advisory, ang DOTr umano sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Arthur Tugade ay hindi pinapayagan ang ganitong gawain ng mga officials at employado ng ahensya.
Maging halimbawa umano ito sa lahat ng government officials at employees.
Tiniyak naman ng DOTr na kabilang sa kanilang prioridad ang Mindanao Railway sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Program ng Duterte administration.
Ang Phase 1 o Tagum-Davao-Digos ay matatapos sa taong 2021.