Babae patay matapos tamaan ng kidlat sa Pangasinan

Patay ang isang babae makaraang matamaan ng kidlat sa bayan ng Sual sa Pangasinan.

Ang 25 anyos na biktimang si Jonaly Damalen ay nagpapakain ng bangus sa fish cages sa Baquioen Bay nang siya ay tamaan ng kidlat.

Nakaranas ng malakas na pag-ulan at may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Sual at iba pang bayan sa Pangasinan kahapon.

Bagaman naisugod pa ng pagamutan ay idineklarang dead on arrival si Damalen sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City.

 

 

 

 

 

 

Read more...