Pamahalaan dapat ng kumilos para igiit ang soberenya ng Pilipinas kontra China ayon sa ilang mambabatas

Kinondena ng ilang mambabatas ang paglalagay ng China ng H-6K bomber plane sa South China sea.

Kasabay nito, nanawagan sa gobyerno sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Gabriela Rep. Arelene Brosas na kumilos na at igiit ang soberenya sa pinag aagawang rehiyon.

Ayon kay Alejano, malinaw na nagpapalakas ang China ng militarisasyon sa South China sea sa pamamagitan ng pagde deploy ng H-6K bomber aircraft matapos ang paglalagay ng missiles system noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Alejano na ang nasabing hakbang ng China ay pagguho ng kapayapaaan at stability sa nasabing rehiyon at may nakaambang kapahakamakan.

Paliwanag pa ng kongresista, maituturing nang global concern ang militarisasyon ng China subalit binabalewala lamang umano ito ng administrasyon.

Para naman kay Brosas, ang hakbang na ito ng china ay lalong nagpapalala ng tensyon sa nasabing lugar at naglalapit ng mga kababaihan sa militarisasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...