Sa isang pahina kalatas, sinabi ng DFA na gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para protektahan ang claims ng Pilipinas sa naturang pinag-aagawang teritoryo kasunod ng mga ulat na may panibagong bomber plains ang China sa isla.
Kasabay nito ay iginiit ng kagawaran na tinututukan nila para protektahan ang kahit isang “pulgada” na bahagi ng teritoryo ng bansa at mga lugar kung saan mayroong sovereign rights ang Pilipinas.
Gayunman, nilinaw ng DFA na hindi nila maaring isapubliko ang bawat aksiyon o hakbang na gagawin ng gobyerno ng Pilipinas hinggil sa nangyayari ngayon sa West Philippine sea o South China Sea.
May ibat-ibang mga hakbang na umano na ginagawa ang pamahalaan para ipaglaban ang ating karapatan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Kasabay nito ay ang pagpapanatili ng mga istratehiya kabilang na ang pag-papairal ng comprehensive Code of Conduct sa layuning isulong ang kapayapaan ay kooperasyon at stability sa West Philippine Sea upang maiwasan ang anumang komprontasyon o mga paghamon.
Palagian anila sinisiguro ng gobyerno na ang pag-angkin natin sa naturang teritoryo ay nakabatay sa kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayang Pilipino at ipagtanggol ang ating soberenya.