Suot ang kani-kanilang mga jersey, pumarada ang mga PNP personnel galing sa National Headquarters at National Support Unit para makilahok sa taunan nilang sportsfest.
Ayon PNP Deputy Director for Administration, Ramon Apolonario, layunin ng naturang aktibidad na mas mapaigting pa ang samahan ng bawat unit ng PNP at mas maging disiplinado ang mga pulis.
Hinihikayat din nito ang mga pulis na maging physically fit.
Dagdag pa ni Apolonario, kung physically fit kasi ang mga pulis ay mas mabilis silang makakapapagresponde sa krimen at mas magiging alerto sa kanilang trabaho.
Tampok sa PNP Sportsfest 2018 ang iba’t ibang sports kagaya ng basketball, volleyball, badminton, table tennis, taekwondo, mini-marathon, swimming, tug-of-war, lawn tennis, bowling, track events, dancesport, boxing, arnis, karatedo at chess.