Paghahain ng COC ngayong araw ni Mayor Rodrigo Duterte, inaabangan ng mga supporters

Duterte via RuelMaagang dumating sa Intramuros Maynila ang mga tagasuporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bitbit nila ang mga banner na may nakasulat na ROADuterte harapan ng Palacio del Gobernador.

Sinabi ng mga nasabing mga supporters na maaga silang dumating sa Comelec dahil ngayong araw maghahain ng kaniyang COC si Duterte.

Bagaman hindi nila matukoy ang oras ng gagawing paghahain ni Duterte, ay kumpirmado umanong dadating ang alkalde.

Maliban sa nasabing mga supporters na dumating sa Intramuros, maaga pa lamang ay mayroon nang malaking tarpaulin ni Duterte sa gilid ng fire station sa bukana ng Fort Santiago.

Sinabi din sa media ni Comelec Chairman Andres Bautista na maliban kina Mar Roxas at Grace Poe ay mayroon pang isang prominenteng nakatakdang maghain ng COC sa pagka-presidente ngayong araw.

Gayunman, hindi ito pinangalanan ni Bautista.

Kahapon sa kaniyang facebook page, nagpost si Sara Duterte ng larawan ni Duterte na may nakasulat na ‘10-15-15’ o ang petsa ngayong araw at mayroong caption ang larawan na ‘the right time’.

Read more...