Hindi nagpahuli si Pambansang Kamao at Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa pagpaaabot ng pagbati sa bagong kasal na sina Prince Harry at Meghan Markle.
Nagpahinga muna sa training si Pacquiao para magpost sa kanyang Instagram account.
Isang throwback picture ang ipinost ni Pacquiao na mayroong caption na “Congratulations Prince Harry and Meghan. We are so happy for you both! May God bless you.”
Nabatid na ang litrato ay kuha noong January 2015 nang bumisita si Pacquiao sa Buckingham Palace.
Ayon kay Pacquiao, mabatid at mapagkumbaba si Prince Harry.
Sa naturang pagbisita, niregaluhan ni Pacquiao si Prince Harry ng isang pares ng boxing gloves na may kasamang autograph niya.
MOST READ
LATEST STORIES