WATCH: ‘Basaan’ Fiesta sa Baclaran, dinagsa ng mga residente

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Daang-daang residente ang nakibahagi sa taunanang prusisyon at “basaan” para sa Pista ng Baclaran.

Iba’t ibang mga poon ang binihisan para sa prusisyon, gaya ng imahen ni Saint Rita de Cascia.

Enjoy na enjoy pa ang mga residente dahil sa basaan o “splashing of water”, na tradisyon na tuwing pista.

May mga truck ng bumbero ang nambabasa sa mga tao.

Para kasi sa mga mananampalataya, ito ay “spiritual” lalo’t mistulang pagbabasbas ito o paglilinis.

Ang prusisyon ay diretso sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help in Baclaran, Parañaque City kung saan magkakaroon ng serye ng mga misa.

Read more...