Rafael Nadal, pasok na sa Italian Open Final

AP photo

Pasok na si Spanish player Rafael Nadal sa Italian Open final matapos magwagi kontra kay Serbian player Novak Djokovic.

Naging mahigpit ang first set ng laro nina Nadal at Djokovic.

Dahil dito, kumaripas at patuloy na inalpasan ni Nadal si Djokovic dahilan para makuha ang 7-4 (4) at 6-3 win.

Ayon kay Nadal, naging mahigpit ang laban dahil sa mga ipinamalas magandang stratehiya at palo mula sa kanilang dalawa.

Bunsod ng pagkapanalo, nakatakdang makaharap ni Nadal sa Final game si defending champion Alexander Zvarev.

Read more...