Nauwi ni Japanese director Hirokazu Kore-eda ang Palme d’Or award sa 2018 Cannes Film Festival para sa kanyang pelikulang “Shoplifters.”
Hinangaan ng audience ang naturang pelikula dahil sa pagpapakita ng buhay-pamilya at plot twists nito.
Nagkaroon pa ng spekulasyon at mga ugong-ugong na isang babaeng direktor ang mananalo sa naturang award ngunit ang Japanese director pa rin ang nagwagi.
Samantala, narito ang ilan pang tanyag na direktor na nagwagi sa naturang film festival:
Spike Lee – Grand Prix award para sa “Blackkklansman”
Nadine Labaki mula sa Lebanon – Jury Prize para sa “Capharnaum”
Pawel Pawlikowski – Best Director para sa “Cold War” at,
Lukas Dhont – Camera d’Or for the Best Directorial debut para sa pelikulang “Girl.”
READ NEXT
Imus local gov’t, nagpatulad ng alternatibong ruta para bigyang-daan ang clearing ops sa bumagsak na flyover
MOST READ
LATEST STORIES