Lanao del Sur, niyanig ng magkasunod na lindol; Intensity II at III, naramdaman sa mga kalapit-bayan

Credit: Phivolcs

(Updated) Niyanig ng magnitude 4.2 na lakas ng lindol ang Munisipalidad ng Wao, Lanao del Sur dakong 10:21, Linggo ng umaga.

Sa inilabas na earthquake bulletin #2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang lindol sa lalim na 16 kilometers at tectonic ang sinasabing dahilan ng paggalaw ng lupa.

Bunsod nito, naramdaman ang Intensity III sa Wao, Lanao del Sur at Kalilangan, Bukidnon, Intensity II sa Baungon, Bukidnon at Cagayan De Oro City.

Matapos ang ilang minuto, niyanig muli ng lindol ang lalawigan na may lakas na magnitude 3.1.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometers South ng lugar.

May lalim din itong 16 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Bagama’t may kalakasan ang lindol, wala namang napaulat na pinsala sa pagyanig.

Read more...