Isang bagong uwing OFW, patay sa pamamaril sa Batangas

Inquirer file photo

Patay sa pamamaril ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa harap ng kaniyang bahay sa Batangas.

Batay sa ulat, kauuwi lamang ng biktimang si Danilo Henson, 57-anyos, mula sa Saudi Arabia nang barilin sa kaniyang bahay sa bahagi ng Barangay Pinagkawitan sa Lipa.

Kauuwi lamang ni Henson mula sa kaniyang pagkakadating sa Ninoy Aquino International Airport nang mangyari ang krimen.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara na itong dead-on-arrival sa ospital.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa likod ng pagpaslang.

Read more...