P3.5M halaga ng umano’y shabu, nasamsam sa Cebu

Inquirer file photo

Nasamsam ang aabot sa P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Sabado ng gabi.

Ayon kay Supt. Glenn Mayam mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG), nakuha ang malalaking pakete ng shabu na may bigat na 300 gramo sa bahagi ng Barangay Labangon.

Gayunman, nakatakas sa mga otoridad ang target na si Aljun Chavez na sinasabing miyembro ng malaking sindikato sa bahagi ng Central Visayas.

Maliban sa naturang operasyon, huli naman sa checkpoint ang 11 suspek matapos makuhaan ng marijuana at ilang pakete ng hinihinalang ilegal na droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...