1 patay, 2 sugatan sa magkahiwalay na motorcycle accident sa Cavite

Inquirer file photo

Patay ang isang motorcycle rider habang dalawang iba pa ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Imus, Cavite.

Magkaka-convoy ang pitong motorcycle rider kabilang ang nasawi na si John Castillo bandang 6:30, Linggo ng umaga.

Ayon sa kasamahan ni Castillo, patungo silang Batangas nang mangyari ang aksidente.

Sugatan naman ang dalawang kapatid ni Castillo matapos tumama ang sinasakyang motor sa center island sa bahagi ng Daang Hari.

Naisugod naman agad ang magkapatid sa ospital.

Read more...