Isang PAL flight, nag-emergency landing sa NAIA

Inquirer file photo

Kinailangang mag-emergency landing ng isang flight ng Philippines Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, nagdeklara ng emergency landing ang piloto ng flight PR2687 mula Clark patungong Busuanga dahil sa lumabas na usok sa cabin ng eroplano.

Ligtas namang naibaba ang 76-seater aircraft na Bombardier Q400 sa paliparan.

Agad din aniyang inalalay ang 55 pasahero sa Terminal 3 at tinulungan ng PAL ground staff para sa kanilang rebooking at hotel accommodations.

Sa ngayon, sinabi ni Villaluna na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Iginiit din nito na prayoridad pa rin ng PAL ang kaligtasan sa kanilang mga operasyon.

Tiniyak din ng PAL na kanilang aalamin ang naging sanhi ng nangyaring smoke alert.

Read more...