Le Tour de Filipinas, aarangkada na bukas

Inquirer file photo

Aarangkada na ang ika-siyam na edisyon ng Le Tour de Filipinas sa EDSA bukas, araw ng Linggo.

Aabot sa 85 na cyclists mula sa 17 teams ang nakatakdang lumahok sa naturang karera.

Magsisimula ito sa Liwasang Aurora sa loob ng Quezon Memorial Circle patungong Elliptical Road bago pumunta sa Epifanio de los Santos Avenue papuntang Monumento sa Caloocan City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan gaganapin ang karera sa EDSA.

Inaasahan matatapos ang 9.5 kilometer-race ng 30 minuto.

Read more...