Pang. Duterte, nakipagpulong na sa 2 babaeng pulis na dinakip ng ASG sa Sulu

Photo credit: Julie Alipapa/PDi

Pormal nang nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang babaeng pulis na dinakip ng isang rebeldeng grupo sa Sulu.

Pinalaya ang dalawang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad sa magkaibang araw nitong nagdaang linggo.

Dinakip ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang dalawang pulis kasama ang dalawang iba pa nang bisitahin ang mga kasintahang sundalo sa Patikul noong April 29.

Aabot sa P5 milyon kada biktima ang siningil ng bandidong grupo para makalaya ang mga ito.

Wala namang napaulat na nagbayad ng ransom ang gobyerno.

Read more...