Mga empleyado ng SC, pinagsusuot ng pula bilang suporta sa pagpapatalsik kay Sereno

Hinimok ang mga empleyado ng Korte Suprema na magsuot ng pulang damit bilang suporta sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Nag-abiso ang Supreme Court Employees Association na mag-suot ng pula sa Lunes, sa flag raising ceremony sa korte.

Isinagawa ito ng grupo matapos ang magsagawa ng Black Friday protests ang mga tagasuporta ni Sereno sa labas ng Korte Suprema at iba pang bahagi ng Maynila.

Matataandang noong May 11, kinatigan ng mga mahistrado ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Read more...