Lumapag sa Woody Islands sa pinag-aagawang South China Sea ang bombers ang Chinese air force kahapon.
Ipinahayag nito na nagsanay ang People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) gamit ang bombers, gaya ng H-6K sa mga isla at mga bahura sa South China Sea, gaya na lamang sa Panatag Shoal na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon sa PLAAF, layunin nitong pagbutihin ang abilidad nito na para masakop ang teritoryo. Paghahanda rin ito para sa West Pacific at sa pagtutuos para sa South China Sea.
Una nang inulat ng Asia Maritime Transparency Initaitve ang posibleng gamitin ng China ang Woody Island sa pagpapadala ng militar sa Spratlys.
MOST READ
LATEST STORIES