100 katao hinihinalang patay sa plane crash sa Cuba

AP

Nagdeklara ng national day of mourning ang pamahalaan ng Cuba kaugnay na naganap na plane sa Havana na ikinamatay ng hgit sa 100 katao.

Sinabi ni Cuban President Miguel Diaz-Canel na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagbagsak ng Boeing 737-200 na pinamamahalaan ng Cubana de Aviacion.

May dalawang survivor sa naturang pagbagsak ng eroplano pero nananatili ang mga ito sa kritikal na kundisyon ayon sa ulat ni Diaz-Canel.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na galing sa Jose Marti International Airport sa Havana ang bumagsak na eroplano.

Ilan minuto pa lamang sa himpapawid ang nasabing eroplano nang magloko ang makina nito na siyang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng eroplano na patungo sa lungsod ng Holguin pasado alas-dose ng tanghali oras sa Cuba.

Kabilang sa 105 na pasahero ng bumagsak na flight DMJ 0972 ang limang dayuhan at isang sanggol.

Kaagad rin na nagparating ng pakikiramay sa mga namatay ang ilang world leaders kabilang na si Mexican President Enrique Peña Nieto.

Read more...