Nagboluntaryo na mag-resign ang ilang mga obispo sa Chile makaraan ang naganap na crisis meeting kasama si Pope Francis.
Sumentro ang nasabing pulong sa mga kaso ng sexual abuse partikular na sa mga bansa sa South America.
Kinumpirma ng Vatican na ito ang kauna-unahan na nagkaroon ng mass resignation sa hanay ng mga pari sa Simabahang Katolika.
Hindi makumpirma kung tinanggap ni Pope Francis ang pagbibitiw sa pwesto ng mga obispo.
Hindi umano nagustuhan ng ilang obispo ang naging pahayag ng Santo Papa na nagpabaya sila sa imbestigasyon kaugnay sa mga kaso ng panghahalay na kinasasangkutan ng ilang mga pari.
Samantala, sinabi naman ni Juan Carlos Cruz, isa sa mga umamin na biktima ng panghahalay ng mga pari na isang malaking development ang pagbaba sa posisyon ng ilang mga obispo.
Umaasa umano ang mga katulad niya na biktima ng sexual abuse na mabibigyan ng hustisya ang kanilang sinapit sa kamay ng mga lider ng simbahan.