2 drug suspects arestado sa Olongapo City

Arestado ang dalawang suspek ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Olongapo City Biyernes ng umaga.

Naaktuhan si Andriane Guerrero na nagbenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Agad na tumakas si Guerrero sakay ang isang Vios ngunit nahabol siya ng mga pulis.

Inaresto rin si Felma Pajares na nakatayo malapit sa pinangyarihan ng transaksyon.

Nakuha kay Guerrero ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at marked money.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...