Pelikulang “Bhoy Intsik” ni Joel Lamangan, wagi sa Nice International Filmmaker Festival sa France

Wagi sa Nice International Filmmaker Festival sa France ang pelikulang “Bhoy Intsik” ng direktor na si Joel Lamangan.

Nakuha ng nasabing pelikula ang Best Editing award sa foreign language category sa festival na ginanap mula May 5 hanggang 12.

Ang editor na si John Anthony Wong ang tumanggap ng award.

Ayon kay Wong masaya at honored siya bilang kauna-unahang Pinoy na tumanggap ng nasabing award sa Nice.

Ang pelikula ay tungkol sa kwento ng dalawang lalaking sangkot sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...