Sa abiso ng DPWH, magsisimula ang road repair alas 11:00 nga gabi ng Biyernes (May 18) hanggang sa alas 5:00 ng umaga sa Lunes (May 21).
Maapektuhan ng repair ang sumusunod na mga kalsada.
Sa Quezon City (Southbound):
- Mula Arayat Street hanggang P. Tuazon, 2nd lane mula sa sidewalk
- Mula Eugenio Lopez Street hangang sa Scout Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk
- Visayas Avenue sa harap ng PTV4, outherlane
- Quirino Highway, T. Carreon Pagkabuhayan Road, inner lane
- Congressional Avenue sa harap ng Business Bank hanggang Mindanao Avenue, 3rd lane
Sa Quezon City (Northbound):
- Harap ng Vertis North hanggang Trinoma Mall, 2nd lane
- Bonifacio Avenue mula Mayon hanggang Mauban Street, outerlane
Sa Maynila:
- España Blvd. patungong Quiapo sa harap ng Don Quijote Street bago mag-AH Lacson.
Pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan na lang ang nabanggit na mga lansangan upang hindi maabala.
MOST READ
LATEST STORIES