2 taong gulang na bata, patay matapos bugbugin ng tagapag-alaga nito

Patay sa pambubugbog ang dalawang taong gulang na bata sa San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay Chief Inspector Arvin Jacob, hepe ng San Fabian police, pinaghahampas ng suspek na si Glaiza Silva ang bata gamit ang bamboo stick at pinagsusuntok hanggang sa mawalan ito ng malay.

Dinala ni Silva sa health center ang biktima at sinabing nahulog umano ito sa hagdan. Gayunman, dead on arrival ang bata.

Iniulat naman ng mga doktor sa pulisya na namatay ang bata dahil sa mga pasa na tila bunsod ng pambubugbog.

Kalaunan, inamin din ni Silva na binugbog niya ang bata dahil nainis siya sa pag-iyak nito.

Ayon kay SPO2 Bernadette Lopez, iniwan kay Silva ang dalawang taong gulang na bata at apat na taong gulang na kapatid nito noong April 15.

Nagtatrabaho ang ina ng biktima sa Laguna.

Nakapiit ngayon si Silva na nahaharap sa kasong murder.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...