Nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng gate 2 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City ang grupo ng mga Lumads.
Ito ay upang ipanawagan na alisin na ang umiiral na martial law sa Mindanao limang araw bago ang anibersaryo ng deklarasyon.
Ayon sa grupo, may mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon dahil sa pag-iral ng martial law.
Sa mga bitbit na plakard ng mga nagsagawa ng protesta, nakasulat ang mga katagang “Itigil ang pandarahas sa Lumad schools” at “End martial law in Mindanao”.
Dahil sa nasabing protesta, nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga dumaraan sa northbound lane ng EDSA.
Sa EDSA gate kasi ng Camp Aguinaldo nagsagawa ng protesta ang nasa 30 katao.
Bagaman hindi naman sila humarang sa EDSA, nakaagaw naman sila ng pansin sa mga motorista kaya bumagal ang daloy ng traffic sa lugar sa kasagsagan ng kanilang programa.