15 katao nabiktima ng food poisoning sa Iloilo City

Pinaniniwalaang nabiktima ng food poisoning ang 15 katao sa Iloilo City.

Ayon kay Iloilo Provincial Administrator Raul Banias, isinugod sa ospital ang mga biktima.

Aniya, nakiramay sa libing ang mga biktima kung saan pinakain ng sandwich ang mga nakipaglibing.

Labing-apat sa mga biktima ay mga bata.

Sinabi naman ni Banias na patuloy pang inaalam kung ang sandwich nga ba ang dahilan ng pagsama ng pakiramdam ng mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...