Magkapatid patay sa sunog sa Davao Del Norte

Patay sa sunog ang magkapatid sa Tagum City, Davao del Norte Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lara Mae Espinosa, pitong taong gulang, at Lisa Mae, isang taong gulang.

Nakaligtas ang dalawa pang kapatid ng mga biktima.

Sumiklab ang apoy pasado alas-3:00 kahapon.

Bumili lamang ng gamot ang kanilang ama nang nagsimula ang apoy.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...