Ito ang paniniwala ni Finance Sec. Carlos Dominguez III at aniya ang unang matatamaan ang P8 trilyon na ‘Build, Build, Build’ Program ng administrasyong-Duterte.
Bukod pa dito, maaring mabawasan din ang pondo ng libreng tuition sa mga State Universities and Collges (SUCs) ganoon din ang ipinatutupad ng pagtaas sa suweldo ng mga pulis at sundalo.
Sinabi naman ni Finance Usec. Gil Beltran ang tax reform package ay nagdulot lang ng dalawang puntos sa 46 porsiyentong pagtaas sa halaga ng tobacco at anim na puntos naman sa 34 porsiyentong iminahal ng mga produktong-petrolyo.
Nabanggit din na ang mas malaking suweldo ng mga manggagawa ang nagtulak para tumaas ang halaga ng mga bilihin at serbisyo.