Lapu-Lapu City niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Lapu-Lapu City sa Cebu ngayong umaga.

Naganap ang lindol sa 11 kilometers South ng Lapu-Lapu City alas 8:03 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity III sa Cebu City at Mandaue City.

May lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...