Patay ang isang matanda matapos tamaan ng crane sa construction site sa Old Balara, Quezon City.
Nabatid na nagwawalis lang ang senior citizen na nakilalang si Rosalinda Mendez, 74 taong gulang nang mabagsakan ng crane.
Sa lakas ng pagkakabagsak, nahati ang crane at kumalat sa lugar ang mga debris nito.
Ang crane ay ginagamit sa isang construction project ng Manila Water. Matapos ang insidente nag-alisan sa lugar ang mga manggagawa sa construction site.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
WATCH: 74 taon gulang na babae, patay matapos tamaan ng crane sa construction site sa Old Balara sa QC | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/00y67R4UuN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 17, 2018
Ang crane ay ginagamit sa improvement project ng water concessionaire na Manila Water.
Galit na galit naman ang mga residente sa project manager ng Manila Water nang dumating ito sa lugar upang sila ay kausapin.