Guro at estudyante patay sa pagbangga ng sinasakyang school bus sa isang truck sa New Jersey

AP PHOTO

Dalawa ang patay na kinabibilangan ng isang guro at estudyante matapos bumangga ang sinasakyan nilang school bus sa isang dump truck sa New Jersey.

Sa pahayag ng Paramus School District, dadalhin sana ng school bus ang mga estsudyante sa Waterloo Village na isang historic site nang maganap ang aksidente.

Sakay ng bus ang 38 estudyante at pitong guro nang ito ay bumangga sa truck.

Dahil sa aksidente, kinansela na ng School district superintendent ang lahat ng school trips ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...