VP Robredo nasa US para dumalo sa graduation ng anak

Lumipad patungong Estados Unidos si Vice President Leni Robredo upang dumalo sa graduation rites ng kanyang panganay na anak na si Aika Robredo sa Harvard University sa Cambridge Massachusets.

Nakatakdang magtapos si Aika Robredo sa kursong Master’s Degree in Public Administration sa Harvard Kennedy School of Government.

Noong nakaraang taon nang matanggap ang panganay na anak ng bise-presidente sa nasabing paaralan kung saan nakamit din ng kanyang asawang si yumaong DILG Sec. Jesse Robredo ang master’s degree nito bilang Edward S. Mason fellow noong 1999.

Ayon sa Office of the Vice President, babalik ng Maynila ang bise-presidente sa May 26.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...