Surigao del Norte at Davao Occidental niyanig ng lindol

Kapwa niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Davao Occidental at Surigao del Norte Biyernes ng madaling araw.

Unang naitala ang lindol sa layong 244 kilometro silangan ng Sarangani, Davao Occidental ganap na alas 3:50 kanina.

May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro.

Alas 4:17 naman nang maitala ang lindol sa layong 31 kilometro kanluran ng bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

May lalim naman itong 12 kilometro.

Kapwa tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang mga aftershocks at pagkasira sa mga ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...